Wednesday, December 3, 2008

tara. palit tayu?

chapter1.vs1.
nakita ko si crush ngayun.
shaks! ampanget na niya..
siguro kase,ayoko na sa kaniya
panu nakita ko siya ngayun-- kaholding hands
ang certified Gf niya.
ang panget!

bittersweet.
bitter sa pakiramdam na kausap niya yung babaeng yun.
paalam sabay yakap!...
sweet? dahil ideny ko man-- napalundag ang puso ko nung nasilayan siya.

teka.. ilang buwan ko na ba siyang tinatangi-tangi?
dalawa, tatlo o apat.
kahit ganu pa katagal.
kumirot. kasama mo na siya. masaya kayo. malaman ang inyong mga ngiti:)
teka! hindi ako magmumukmok ng dalawa, tatlo o apat na buwan.
kahit papanu alam ko naman kung ganu ako kaganda.
oo. makapal ako. kasing kapal ng rubber ng gulong.
gulong. umiikot!
sasaya din ako. sigurado yun-- pero hindi sa piling mo!
bitter pa din.
balik tayu sa makapal.
makapal na din pala ang kalyo sa puso ko.
hindi mo lang alam.
kaya sorry...
sorry na lang ako.
kase tagos.
tagos pa din-- hanggang sa kaibuturan..

bakit ba ang selfish mo?
ay mali!
ako. ako ang selfish.
galit ako sa ka-uri mo.
ayoko sainyo!
kase madami kayung pinapaiyak na ka-uri ako..
pero bakit ambulag mo?
ay mali ulit.
ambulag ko!
bakit?
tinanong mo pa.
oo na.
parati kong nakikita kapag ako ang nasasaktan.
pero hindi ko nakikita kapag ako.
ako naman ang kumalabit ng baril.
tagos ba?.
teka bago mo pa sabihin.
uunahan na kita.
tara! palit tayu????

No comments: